^

Probinsiya

Pedicab driver tinagpas sa leeg ng kapitbahay, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Halos humiwalay ang ulo sa katawan ng isang pedicab driver makaraang pagtatagain ng kapitbahay na nakaalitan nito, kamakalawa ng gabi sa Barangay Panapaan 3, Bacoor City.

Hindi na nagawa pang madala sa paga­mutan ang biktimang si Florenio Pampag Jr., 34-anyos, at residente ng Sitio Tibag, Brgy. Panapaan 3 ng nasabing lungsod sa Ca­vite, bunsod ng inabot na mga taga sa leeg.

Naaresto naman ang suspek habang papatakas na nakilalang si Antonio Mades 47-anyos, construction worker at residente rin sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente. Nagpanagpo umano ang magkaaway na suspek at biktima hanggang sa magtalo at mauwi sa palitan ng masasamang salita.

Dito, napikon ang suspek sa kapitbahay na biktima hanggang sa kumuha siya ng bolo at ilang ulit na pinagtataga sa leeg ang huli na duguang bumagsak sa lupa.

Matapos na makitang patay na ang kaalitan, tumakas ang suspek subalit agad din siyang naaresto ng mga rumespondeng opisyal at mga tanod ng barangay.

Sinampahan na ng kasong murder ang suspek na nakapiit sa himpilan ng Bacoor City Police.

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with