^

Probinsiya

Parak namaril sa inuman, kelot todas!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahaharap sa kasong criminal at administratibo ang isang pulis matapos nitong mabaril at mapatay ang kainumang lalaki nang magkainitan sa kasagsagan ng kanilang inuman, kamakalawa ng hapon sa Cagayan de Oro City.

Dead-on-arrival sa Puerto Community Hospital si Drixel Tumbaga habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Police Staff Sgt. Junlit Raboy Lubino, nakatalaga sa Jasaan Municipal Police Station sa Misamis Oriental, at kapwa residente sa Zone 3 Lower Brgy. Agusan, Puerto, Cagayan de Oro City.

Ayon kay P/Major Peter Tajor, commander ng Puerto Police Station 6, dakong alas-12 ng tanghali nitong Huwebes nang maganap ang krimen sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang isang Norberto Sabunot nang magkaroon ng diskusyon ang dalawa na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Agad na binunot ng suspek ang kanyang baril at pinaputukan sa dibdib ang biktima.

Nakuha kay Lubino ang service firearm nitong Glock 17 9mm cal. PNP 32135, 14 na bala, isang magazine at isang fired cartridge.

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with