^

Probinsiya

P6.2 milyong marijuana sinunog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P6.2 milyong marijuana sinunog
Ayon kay Police Regional Office-Cordillera Director Brig. Gen. Mafelino Bazar, sa pinagsamang operasyon ng Provincial Drug Enforcement Group-Kalinga Provincial Police Office at Naval Intelligence Security Group Northern Luzon (NISG-NL), nadiskubre ang 12 marijuana plantations sa Bakun at Kibungan.
AFP

MANILA, Philippines — Umaabot sa P6.2 milyong halaga ng marijuana na nakumpiska sa Tinglayan, Kalinga, Bakun at Kibungan, Benguet noong Martes ang sinunog ng mga otoridad.

Ayon kay Police Regional Office-Cordillera Director Brig. Gen. Mafelino Bazar, sa pinagsamang operasyon ng Provincial Drug Enforcement Group-Kalinga Provincial Police Office at Naval Intelligence Security Group Northern Luzon (NISG-NL), nadiskubre ang 12 marijuana plantations  sa Bakun at Kibungan.

Binunot ang 17,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa Barangay Buscalan, Tinglayan sa ilalim ng “Coplan: Green Herb ” at 4,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng P800,000 naman sa Sitio Canaan, Barangay Buscalan, Tinglayan sa ilalim ng Oplan Gogo

Bukod sa mga plantasyon, nadiskubre rin ng Kibungan MPS, Bakun MPS, at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang 200 FGMJP at 1,650 marijuana seedlings na may SDP P2,066,000.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan sa mga suspek at agaran ikadarakip sa mga ito.(

MARIJUANA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with