^

Probinsiya

2 kawani ng DA patay, 1 sugatan sa bangga

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang kawani ng Department of Agriculture (DA) Cordillera ang nasawi habang ang kanilang driver nito ay malubhang nasugatan matapos ang kanilang sinasakyan ay sinalpok ng isang sasakyan sa kahabaan ng National Highway, Barangay Bugallon Proper, Ramon,Isabela, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang nilalapatan ng lunas ang mga biktimang sina Karen ­Briones at Addison Kyle La-ao dahil sa grabeng pinsala sa katawan habang ang kanilang driver na si Tommy Timoteo ay nasugatan.

Sa ulat sakay ang mga biktima ng closed-wing van ng DA-CAR na may kargang mga sako ng bigas malapit sa isang gasolinahan sa  Barangay Bugallon Proper nang salpukin ng isang kotse mula sa likuran dahilan para mawalan ng kontrol  sa manibela si Timoteo at sumalpok ito sa paparating na trailer truck.

Tumakas naman ang driver ng kotse na si Allan Mark Barroza, 34, subalit sa isang follow-up operation ay naaresto ito ng mga pulis at nadiskubreng lasing ito sa alak.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with