^

Probinsiya

Lola pisak sa backhoe

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 64-anyos na lola matapos na masagasaan ng backhoe habang naglalakad,kamakalawa ng gabi sa Barangay Tibig Road, Silang, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si Laura Dequena Evangelista, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang aksidente, alas-7:00 ng gabi ay naglalakad ang biktima galing sa tindahan at pauwi na sa kanilang bahay nang ito ay masagasaan ng backhoe na minamaneho ni Jackson Movilla Lacandola, 42,residente ng Sitio Ibayo, Brgy Tibig Silang, Cavite.

Ayon sa suspek na madilim ang lugar at hindi umano napansin ang matanda na naglalakad.Kinasuhan na ito ng reckless imprudence resulting to homicide.

BACK HOE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with