^

Probinsiya

Kotse at truck nagsalpukan: 1 patay, 2 kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Kotse at truck nagsalpukan: 1 patay, 2 kritikal
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan matapos maipit sa passenger seat ng kotse ang lalaking hindi pa rin nakikilala hanggang sa kasalukuyan at nasa kritikal na kondisyon ang mga driver ng nagbanggaang sasakyan.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Patay ang hindi pa nakikilalang la­laki habang dalawa pa ang kritikal makaraang magsalpukan ang kotse at truck kamakalawa sa kahabaan ng Centennial Highway Barangay Tabon 3 Kawit Cavite.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan matapos maipit sa passenger seat ng kotse ang lalaking hindi pa rin nakikilala hanggang sa kasalukuyan at nasa kritikal na kondisyon ang mga driver ng nagbanggaang sasakyan.

Sa imbestigasyon ng Kawit Police, alas-4 ng madaling araw habang minamaneho ni Roland Cairme Fernandez ang Toyota Vios na may plakang NCG 7963 at sakay nito sa kanyang tabi ang biktima patungo ng Manila direction nang makasalpukan nito ang kasalubong na Isuzu Elf truck (ALA 8349) na minamaneho ni Lucendo Malanig Barit.

Kapwa may kabilisan umano ang takbo ng dalawang sasakyan kung kaya malakas ang impact ng salpukan na ikinaipit ng biktima sa loob ng kotse na sanhi ng kanyang kamatayan.

Inoobserbahan naman ang kondisyon ng dalawang nabanggit na driver na kapwa nasa malubhang kalagayan sa ospital.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with