^

Probinsiya

Vintage bomb natagpuan sa ilalim ng ginagawang tulay

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Isang hinihinalang ‘vintage bomb’ ang nahukay at nadiskubre ng mga obrero sa ginagawang extension ng tulay ng Valdefuente, sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Valdefuente, rito, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa Cabanatuan City Police, bandang ala-1 ng hapon nang itawag sa kanilang istasyon ng traffic enforcer na si Simeon Flores, 53, ang natagpuang unidentified metal object na hinihinalang isang vintage bomb na ipinagbigay-alam sa kanya ng mga nakahukay na obrero.

Agad namang ipinabatid ng city police ang insidente sa Nueva Ecija Police EOD at PECU team na siyang kumuha nito for ‘safekeeping’ na malayo sa ikapapahamak ng mga sibilyan. 

EOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with