^

Probinsiya

Dalaga ginahasa na, kinatay pa ng kainuman!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dalaga ginahasa na, kinatay pa ng kainuman!
Ang biktima ay nakilalang si Cristine Avila habang nakatakas naman ang suspek na nakilalang si Khalid M. Sarip.
Philstar.com/Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Masaklap ang si­napit ng isang dalaga sa kamay ng lalaking kanyang kainuman matapos siyang gahasain ay pinagsasaksak pa sanhi ng kanyang kamatayan sa Cainta, Rizal kamakalawa.

Ang biktima ay nakilalang si Cristine Avila habang nakatakas naman ang suspek na nakilalang si Khalid M. Sarip.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng Cainta Municipal Police na dakong alas-6:40 ng umaga nang maganap ang krimen sa Don Mariano Subd., Brgy. San Juan ng naturang bayan kung saan dito nanunuluyan ang kaibigan ng biktima na si Kayla Mae Cantre.

Nauna rito, bumisita umano ang biktima sa bahay ni Cantre. Maya-maya ay dumating umano ang suspek na kagagaling lamang sa trabaho.

Niyaya umano ng suspek ang magka­ibigan na makipag-inuman at pumayag naman ang dalawang magkaibigang babae.

Gayunman, nang lumabas ng bahay si Cantre dahil may kailangan itong gawin ay sinamantala ng suspek ang pagkakataon at isinagawa ang pang­hahalay sa biktima. Hindi nakuntento ang suspek ay kinatay ang biktima saka mabilis na tumakas.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga otoridad laban sa suspek upang maaresto ang suspek.

Umapela rin naman ang pamilya ng biktima ng katarungan para sa kanilang pinaslang na kaanak.

vuukle comment

MASAKLAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with