^

Probinsiya

LGBT member hinoldap, mukha nilaslas 2 bagets na suspek arestado

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
LGBT member hinoldap, mukha nilaslas 2 bagets na suspek arestado
Kasalukuyang nilala­patan ng lunas sa paga­mutan ang biktima na nakilalang si Edison Buscay, residente ng  B18 L3 LRTA, Brgy. Santiago, Gen. Trias City.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Tinangayan ng cellphone at nilaslas pa ang mukha ng isang 22-anyos na miyembro ng LGBT community ng tatlong lalaki kabilang ang dalawang menor-de-edad habang pauwi kahapon ng madaling araw sa Barangay Santiago, Gen. Trias City.

Kasalukuyang nilala­patan ng lunas sa paga­mutan ang biktima na nakilalang si Edison Buscay, residente ng  B18 L3 LRTA, Brgy. Santiago, Gen. Trias City.

Dalawa sa tatlong suspek ang agad naaresto ng mga taga-barangay Santiago na nakilalang sina alias “Dante”, 17- anyos at alias  “Tyrone”, 15-anyos; kapwa residente ng Pabahay, Brgy. San Francisco, Gen Trias City, Cavite.

Nakatakas naman ang isa pa sa mga suspek na nakilala lamang sa alias “Toto”, nasa hustong gulang at residente rin sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3 ng mada­ling araw habang nagla­lakad ang biktima sa loob ng LRTA Subdivision at nagse-cellphone at papauwi na sana ng bahay nang harangin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Bumaba ang dalawa sa tatlong suspek at tinutukan ang biktima at nagdeklara ng hold-up.

Agad na hinablot ng mga suspek ang cellphone ng biktima at bago suma­kay ng motorsiklo ay walang kaabug-abog na nilaslas ng isa sa mga suspek ang mukha ng biktima.

Kahit na duguan, nagtatakbo ang biktima at humingi ng tulong sa barangay.

Agad namang naitakbo ang biktima sa pagamutan habang naaresto ng security guard ng nasabing subdivision ang papatakas na dalawang suspek.

Narekober sa dalawang suspek ang cellphone ng biktima habang tinutugis pa ng mga awtoridad ang isang kasamahan.

vuukle comment

LGBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with