^

Probinsiya

9-anyos na nawawala, nakitang patay sa creek

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang 9-anyos na batang lalaki na iniulat na na­wawala simula noong Nobyembre 25 ang natagpuang patay habang nakalutang sa isang creek sa boundary ng San Jose at Cuenca, sa Batangas noong Linggo ng hapon.

Ang bangkay ng totoy na nakilalang si Rommel Moog, Grade 4 student ay natagpuan ng mga residente sa may sapa sa boundary ng Barangay Balagtasin, San Jose at Sitio Sagingan sa Barangay Ibabao, at Cuenca, pawang sa Batangas dakong alas-3:45 ng hapon.

Ayon kay Major Ernie Bilog Delos Santos, hepe ng pulisya, ang katawan ng biktima ay nagsisimula nang maag­nas nang matagpuan sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na huling nakitang buhay ang bata sa tabing ilog bago siya nawala at nabigo nang makauwi sa kanilang tahanan.

Sinabi ni Delos Santos na nadulas ang bata sa mabatong bahagi at nahulog sa ilog na may 25 talampakang lalim ng tubig.

Napag-alaman na nangongolekta ang biktima ng basura at inihahagis sa ilog kapalit ng maliit na halaga ng pera para makabili ng kanyang pangangailangan sa iskul.

Giniit ni Delos Santos na walang foul play sa pagkamatay ng bata at ang dahilan ay “self accident”.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with