^

Probinsiya

Minero na-trap sa gumuhong tunnel, tepok

Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Patay na nang maiahon ang isang minero matapos ma-trap at matabunan ng malalaking bato nang gumuho ang tunnel ng Minahang Bayan sa Sitio Magadgad, Brgy. Galdang, Pasil, Kalinga noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Milnar Wa-il Bag-ayan, 35, residente rin ng naturang lugar. 

Ayon sa Pasil Police, agad silang rumesponde sa naturang lugar matapos makatanggap ng tawag mula sa barangay hinggil sa ulat na may natabunang minero sa loob ng tunnel na gumuho.

Habang papunta sa nasabing lugar, nasalubong na nila ang mga civilian rescue volunteers at karga ang katawan ng biktima.

Sinubukan ng medical professional ng pulisya na i-revive ang biktima subalit namatay ito dakong ala-1:40 ng hapon noong Disyembre 4, 2022.

Sa imbestigasyon, pumasok sa mine site ang biktima bandang alas-3 ng hapon noong Sabado.

Nabatid na dakong alas-6 ng umaga, napansin ng kapwa minero na hindi na nakabalik pa ang biktima sa kanilang barracks kaya agad nilang ipinaalam ito sa iba pang kasamahan na gumalugad sa tunnel at natagpuan ang katawan nito na nakalibing sa malalaking tipak ng bato.

Ang bangkay ng biktima ay dinala na sa kanyang tahanan sa Barangay Galdang.

MINAHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with