^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Pampanga, utas sa shootout

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isa sa mga suspek na res­pon­sable umano sa pa­mamaslang sa dala­wang miyembro ng anti-illegal drugs unit ng Pampanga Police nang magsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng suspek na sakay ng motorsiklo nang makipagbarilan ito sa mga awtoridad sa isang checkpoint.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang caliber 45 pistol at motorsiklo.

Lumilitaw na nagsagawa ng follow-up operations ang Pampanga Police bunsod ng ginawang pamamaslang kina Police Senior Master Sergeant Sofronio Capitle Jr. at Police Staff Sergeant Dominador Gacusan Jr.

Nauna nang naaresto ng mga awtoridad ang tatlong suspek sa pagpatay na sina Jun Jun Espiritu Baluyut Aries Espiritu Bagisic, at Leslie Placiente. 

Naaresto ang mga ito sa Barangay Dau sa Mabalacat City, Pampanga, noong Linggo ng umaga.

Base sa inisyal na imbestigasyon, patungo ang mga biktimang sina Capitle at Gacusan ng Mabalacat Police mula sa anti-illegal drugs ope­rations nang paputukan ng mga suspek.

Sa pahayag ng mga puis, bumaba ang mga suspek mula sa kani­lang mga motorsiklo at pinagbabaril ang mga biktima.

Lubos naman ang pakikiramay ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kasabay ng pahayag na hindi titigil ang kanyang mga tauhan hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang pamilya nina Capitle at Gacusan.

SHOOTOUT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with