^

Probinsiya

3 tinedyer patay sa ‘shootout vs pulis

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 tinedyer patay sa âshootout vs pulis
Ayon kay Major Jenahmeel Toñacao, hepe ng the Lambayong Police, sa mga mamamahayag nitong Sabado, pinatigil ng mga pulis ang tatlong kabataan na lulan ng mo­torsiklo sa checkpoint sa Barangay Didtaras pero bigla silang humarurot patakas.
STAR/ File

 Sigaw ng pamilya: Rubout!

COTABATO CITY, Philippines — Tatlong teenager ang patay matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa naganap na sinasabing “shootout” sa Lambayong, Sultan Ku­darat nitong Biyernes ng madlaing-araw.

Ang tatlong napatay na kabataan ay hindi pa pinangalanan ng pulisya.

Ayon kay Major Jenahmeel Toñacao, hepe ng the Lambayong Police, sa mga mamamahayag nitong Sabado, pinatigil ng mga pulis ang tatlong kabataan na lulan ng mo­torsiklo sa checkpoint sa Barangay Didtaras pero bigla silang humarurot patakas.

Sinabi ni Toñacao na ka­sunod nito, pinaputukan umano ng tatlong suspek ang mga pulis na humahabol sa ka­nila matapos silang ma­korner sa nasabing lugar na nagbunsod ng engkuwentro.

Bulagta sa nasabing lugar ang tatlong menor-de-edad.

Sinabi ni Toñacao na narekober ng mga police forensic experts ang dalawang .45 caliber pistols sa tabi ng mga bangkay ng tatlo at nakakuha rin ng sachet ng shabu mula sa bulsa ng suot na damit ng isa sa mga napaslang.

Samantala, hiniling ng mga kaanak ng mga na­patay na teenager sa Commission on Human Rights na magsagawa ng hiwalay na imbesti­gasyon sa insidente ma­tapos nilang igiit na biktima ng “rubout” ang tatlong napaslang na menor-de-edad.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with