^

Probinsiya

164 NPA rebels sumuko sa MIMAROPA

Pilipino Star Ngayon
164 NPA rebels sumuko sa MIMAROPA
Ayon kay Police Regional Office (PRO) 4B (MIMAROPA) chief P/Brig. Gen. Sidney Hernia, ang nasabing mga rebelde ay sumurender sa iba’t ibang units ng pulisya sa kanilang rehi­yon mula Enero hanggang Nobyembre ng ta­ong ito.
Interaksyon / File

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 164 miyembro at ilang opis­yal ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) ang sumuko sa pu­lis­ya sa magkakahiwa­lay na insidente sa MI­MA­ROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan), ayon sa opisyal kahapon.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 4B (MIMAROPA) chief P/Brig. Gen. Sidney Hernia, ang nasabing mga rebelde ay sumurender sa iba’t ibang units ng pulisya sa kanilang rehi­yon mula Enero hanggang Nobyembre ng ta­ong ito.

Sinabi ni Hernia na ang pagsuko ng nasabing bilang ng CPP-NPA ay bu­nga ng pinalakas na counter-insurgency campaign upang mapalaya ang MIMAROPA partikular na ang mga kanayunan sa impluwensiya ng komunistang grupo.

Pinakahuli naman sa mga nagsisuko ay ang dala­wang miyembro ng NPA sa lalawigan ng Oriental Mindoro kama­kalawa. Ang mga ito ay kinilala sa mga al­yas na Ka Gringo, 27, ng Bulalacao,Oriental Mindo­ro at Ka Jimbo, 33-anyos. Sila ay pa­wang miyembro ng Platoon Serna ng Kilusang Larangang Gerilya-Mark Anthony Velasco sa ila­lim ng Lucio de Guzman Command, Sub-Regio­nal Military Area-4D), Southern Tagalog Re­gional Party Committee.

Sinabi ni Hernia na sumuko ang mga rebelde matapos ang masu­sing dayalogo ng tropa ng militar at pulisya sa Brgy. Cabalwa, Mansalay, Oriental Mindoro.

Isinailalim na sa kus­tod­ya ng mga awtoridad ang mga nagsisukong re­belde kaugnay ng tac­tical interrogation sa mga ito.

“All those who surrendered can avail of the E-CLIP for their reinte­gration to the community and will be re­ceiving livelihood program and cash aid from the go­vern­ment,” pahayag ni Hernia.

MIMAROPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with