^

Probinsiya

16-anyos,1 pang bebot timbog sa P1.3 milyong shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
16-anyos,1 pang bebot timbog sa P1.3 milyong shabu
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Norjina Sumagina Unte, 35, at ang 16-anyos na itinago sa pangalang Ash; kapwa residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City.
STAR/File

Bentahan ng droga sa park

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang dalawang kababaihan kabilang ang isang 16-anyos na dalagita matapos masamsaman ng mahigit P1.3 mil­yong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa isang kilalang park sa lungsod ng Dasmariñas, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Norjina Sumagina Unte, 35, at ang 16-anyos na itinago sa pangalang Ash; kapwa residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Police Office director, Col. Christopher Olazo, alas 6:45 ng gabi nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), RSET 1 at  RSET 2, PDEA-Cavite at Dasmariñas Police ang buy-bust laban kay Unte.

Naganap ang bilihan ng droga sa Promenade Park sa Governor Ma­ngubat Avenue, Barangay Burol main, ng nasabing lungsod Dasmariñas City

Narekober sa mga suspek ang may mahigit sa 200 gramo ng Shabu na aabot sa halagang 1,380,000. Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang cellphone at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Kapwa nahaharap sa mga kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang mga suspek.

NALAMBAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with