^

Probinsiya

Mag-asawa na ‘tulak’, pamangkin arestado sa Quezon buy-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng mag-asawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga at kanilang pamangking lalaki makaraang maaresto sa anti-drug operation, kamakalawa ng umaga sa Purok Little Baguio 1, Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito.

Sa ulat ni P/Lt .Col. Erickson Roranes, chief of police rito, kinilala ang mga naaresto na sina Alvin Rosas alyas “Palaka”, 45, ang asawa nito na si Nancy, 40, at pa­mangkin na si Kier John Rosas, 28, binata, pa­wang mga residente sa naturang lugar.

Ayon kay P/Lt. Jero­me Ubaldo, City Drug Enforce­ment Unit (CDEU) chief, ang mag-asa­wa ang target ng kanilang buy-bust operation na kapwa kabilang sa mga suspected list Individual (SLI).

Nagkataong nasa loob ng kanilang bahay ang pamangking si Kier John at nakumpiskahan ng ilang plastic sachet ng hinihinalang shabu kaya inaresto na rin ito dakong alas-7:41 ng umaga.

Sa kabuuan ay aabot sa 6.7 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,680.00 ang nakum­piska sa mga suspek kasama na ang isang piraso ng P1,000 marked money.

CDEU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with