^

Probinsiya

Babae dedo, rider sugatan sa ‘hit and run’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang babaeng backrider habang sugatan ang driver ng si­na­sakyang motorsiklo matapos silang mabangga ng isang humahagibis na behikulo saka tinak­bu­han sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Candelaria, Quezon nitong Sabado ng mada­ling araw.

Sa inisyal na ulat ng Quezon Police, idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang nasabing babae na hindi pa na­tukoy ang pagkaka­kilanlan.

Patuloy namang nilala­patan ng lunas sa pa­ga­mutan si Margeon Maghirang, driver ng mo­torsiklo na nagtamo ng mga sugat sa katawan bunga ng insidente.

Sinabi ng pulisya na alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa bahagi ng Maharlika Highway sa ba­yan ng Candelaria. Ka­salukuyang binabagtas ni Maghirang ang nasabing highway at angkas ang naturang ba­baeng backrider nang ma­bangga sila ng isang behikulo na mabilis na tumakas sa lugar.

Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima pero nabigo nang maisalba pa ang buhay ng nasabing babae.

Ang driver ng motorsiklo ay natukoy ang pagkakakilanlan sa pa­ma­magitan ng narekober na driver’s license nito. 

vuukle comment

CANDELARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with