^

Probinsiya

P14.3 milyong marijuana winasak sa Cordillera

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Winasak ng Cordil­lera Police ang nasa P14.3 milyong halaga ng mari­juana  na nakumpiska sa loob na dalawang ling­­gong operasyon ka­tu­wang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa iba’t ibang lugar sa Cordillera Admi­nistrative Region (CAR).

Sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., 19 na operasyon ng PNP at PDEA mula Nobyembre 13 hanggang 30 kung saan nasamsam at sinunog nila ang 71,105 fully-grown marijuana plants at 2,100 na punla ng marijuana.

Ayon kay Azurin na epektibo ang kanilang pi­naigting na istratehiya laban sa droga at naniniwala siyang mapupuksa ito hindi lamang sa buong Cordillera kundi sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Nagpaabot naman ng papuri si Azurin kay Police Regional Office (PRO)-Cordillera director, Brig. Gen. Mafelino Bazar sa matagumpay na operasyon nito kontra droga gayundin ang komunidad na nagiging katuwang ng PNP sa pagbuwag sa mga drug traders.

Samantala, pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek na cultivator ng marijuana na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 16, Article II ng Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

MARIJUANA

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with