^

Probinsiya

Gulong ng SUV pumutok: Mag-utol at lady trader, dedo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang magkapatid na estudyante nang araruhin sila ng SUV na naputukan ng gulong na ikinasawi rin ng babaeng negosyanteng sakay nito, kamakalawa ng hapon sa Kabacan, Cotabato.

Dead-on-the-spot ang mga biktima na nakilalang sina Jomar at Marissa Damanda, kapwa­ residente ng Brgy. Pedtad, Kabacan, Cotabato habang hindi naisalba ng mga doktor ang buhay ng negosyanteng sakay ng SUV na si Alawiya Manda, 82-anyos, at resi­dente ng Dagook, Lumbatan, Lanao Del Sur.

Nasa kustodya naman ng pulisya ang dri­ver ng SUV na Toyota Rush na si Najeb Tarati­ngan Macapagal, 26, may asawa, at residente ng Pagamatan Linuk, Tamparan, Lanao del Sur.

Sa imbestigasyon ng Kabacan Traffic Police, dakong alas-3:25 ng hapon, kapwa binabagtas ng motorsiklo at SUV ang national highway ng Sitio Basak sa Brgy. Kayaga, Kabacan nang bigla na lamang pumutok ang gulong ng SUV na minamaneho ni Macapagal kung saan sakay nito si Manda.

Bunsod nito, inararo ng SUV ang motorsiklo ng magkapatid sanhi upang sila ay tumalsik at magtamo ng matinding pinsala habang sumalpok naman sa bakal na barrier ang SUV na ikinasawi ng sakay nitong matandang negosyante.

Inihahanda na ng pu­lisya ang kasong reckless imprudence resulting­ in multiple homicide laban kay Macapagal.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with