Quezon drug ops: Halos P.5 milyong shabu samsam
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Aabot sa halos kalahating milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang suspected drug pusher makaraang isagawa ang anti-drug operation sa Purok 2, Barangay Bocohan, Lucena City, kamakalawa ng madaling araw.
Ayon kay PCol. Ledon D. Monte, Quezon Police Provincial Office (QPPO) director, isinagawa ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang buy-bust operation dakong ala-1:30 ng madaling araw laban sa suspek na si Von Eriche Borines Panergo alyas “Von” 35, residente ng 188 Armando Racelis Avenue, Barangay 3, Lucban, Quezon.
Aabot sa 24.29 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P495,516.00 ang nakumpiska mula sa suspek.
Kabilang pa sa ebidensyang nakuha sa suspek ang isang piraso ng P1,000 marked money, 13 piraso ng P1,000 boodle money at isang motorsiklong Kawasaki Barako na kulay itim.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165.
- Latest