^

Probinsiya

Motor tumalon sa creek, rider lasog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LAGONOY, Camarines Sur, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 59-anyos na rider matapos na mahulog ang minamanehong motorsiklo sa creek sa Zone-5, Brgy. Agcata ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod sa Partido District Hospital pero hindi na umabot nang buhay ang biktima na kinilalang si Augusto Lovete Rivero, may-asawa, residente ng Brgy. Sta. Maria, La­gonoy, Camarines Sur.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi habang binabagtas ng biktima lulan ng Yamaha Sniper 135 ang kahabaan ng highway nang biglang mawalan ito ng kontrol sa motorsiklo hanggang sa diretso itong mag-dive sa may sapa sa tabi ng kalsada.

Walang malay at duguang isinugod ng mga rumespondeng residente­ at awtoridad ang biktima­ sa pagamutan pero idi­neklarang dead-on-arrival.

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with