^

Probinsiya

Pahinante tumalon sa trak natigok

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nabasag ang ulo ng isang pahinante matapos tumalon sa sinasak­yang trak na nawalan ng preno sa kahabaan ng Sabloyon Road ng lungsod na ito, kamaka­lawa ng umaga.

Dead-on-the spot dahil sa matinding pagkabagok ng ulo ng biktimang si Erwin Mabag Cabigayan, 32-anyos, truck helper, residente ng Brgy. Laygayon, Pi­na­bac­dao, Western Samar.

Sa ulat, alas-9:40 ng umaga mula sa Ligao City ay binabagtas ng Mitsubishi Fuso Truck (EVB-907) na mina­ma­neho ni Alfie Montalbo Perdigones, 29-anyos, re­sidente ng Brgy. Sta.Cruz, Polangui ang kahabaan ng high­way para magdeliber ng poultry supply. Ga­yunman, ha­bang bina­bagtas ang kal­sada biglang naram­daman ng driver na na­walan ng preno kaya inutusan nito si Cabigayan na tumalon at lagyan ng kalso ang gulong para tumigil ang trak.

Pero nawalan ng ba­lan­se ang biktima sa kan­yang pagtalon sa uma­­andar na trak kaya bumagsak ito sa kalsada na una ang ulo.

TRUCK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with