^

Probinsiya

11 mangingisda nasagip sa lumubog na Bangka

Roel Pareño - Pilipino Star Ngayon

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Labing-isang mangi­ngisda ang nasagip ma­­tapos lumubog ang ka­nilang bangka nitong Miyer­kules ng gabi dahil sa sa­ma ng panahon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ang fishing boat na F/B Jaya na may lulan na  11 mangingisda kabilang ang skipper, mula sa Pagadian City, Zamboanga del Sur ay naglalayag nang hampasin ng malakas na alon, alas-10:00 ng gabi sa pagitan ng Tic­tabon Island at Barangay Mampang.

Mabilis na nagsaga­wa ang coast guard ng search and rescue ope­rations ma­tapos makatanggap ng tawag mula sa re­­si­dente ng Baran­gay Mampang.

Dalawa sa biktima ay agad na nasagip nang sila ay lumangoy na na­ki­ta ng mga alertong Phi­lippine National Po­lice Maritime Unit 9 (PNP-Ma­ritime).

Ang dalawang unang nasagip ay nagtamo ng mga galos matapos ang kanilang bangka ay hi­nampas ng malakas na alon na kung saan ti­­na­­ngay ang 9 nilang ka­sama.

Nagdeploy ang PCG search and rescue team at nasagip ang 4 iba pasado alas-10:20 ng gabi at ilang oras ang lumipas ay natagpuan ang limang iba pa na nasa ibabaw ng bangka nilang tumaob malapit sa shoreline ng Barangay Mariki.

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with