^

Probinsiya

Kelot na nag-tresspassing, sugatan sa agawan ng baril

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa ang sugatan habang isa ang nakatakas nang tamaan ng bala ng baril nito sa pag-aa­ga­wan nila ng security guard na sumita sa ka­ni­la sa pagpasok sa sub­division ng walang paalam sa Barangay Hoyo, Silang Cavite.

Kasalukuyang binabantayan ng pulisya sa ospital ang nasugatang suspek na si Michael Pascua Frenta, 28 habang nakatakas ang kasama nito na si Michael Anciao nasa hus­tong gulang.

Sa nakalap na ulat mula kay Police Col Romulo Co Dela Rea, hepe ng pulis­ya, alas-3:45 ng madaling araw ay kasalukuyang nagsa­sagawa ng roving ins­pection ang mga security guard na sina John Hanucan Realco,22; at Iver  Iwayan Jr. 37 nang ma­mataan ang 2 suspek sa  Phase 6 B82 B Suntrust Vero­na.

Kinompronta ito ni Real­co kung anong ginagawa ng ganung oras at sinabihang tresspa­sing ang ginawa nila, subalit sa ha­lip na sumagot ay agad na bumunot ng maik­sing ba­ril ang suspek na si Frenta.

Dito na nagkaroon ng agawan hanggang sa mabaril nito ang suspek sa puwitang bahagi habang nakatakas ang isa pa.

Agad naman itong iti­nak­bo sa pagamutan at narekober dito ang isang Caliber .38 revol­ver Smith and Wesson na loaded ng mga bala.

Sinampahan ng kasong Trespass to Dwelling at Violation of RA 10591 ang mga suspek.

TRESPASSING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with