^

Probinsiya

Karnaper na ‘most wanted’ nalambat sa raid

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Karnaper na âmost wantedâ nalambat sa raid
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Salvador Arnedo II, 20-anyos at residente ng Blk. 43 Lot 4, Brgy. Yakal, Silang, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang tinaguriang “most wanted person” sa regional level dahil sa pagiging kilabot na karnaper sa isinagawang pagsalakay sa kanyang hideout sa Barangay Yakal, bayan ng Silang sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Salvador Arnedo II, 20-anyos at residente ng Blk. 43 Lot 4, Brgy. Yakal, Silang, Cavite.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Christopher Olazo, naaresto ang suspek sa ilalim ng Oplan Pagtugis at warrant ope­ration ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation Group-Cavite PFU na nagsilbing lead unit, Cavite PFMC, 401st AMC RMFB4A, Highway Patrol Group-Cavite at Silang Police.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Minneli Rocio-Carvajal, assisting judge ng Regional Trial Court Branch 18, Tagaytay City, para sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act 10853 (New Anti-carnapping Act of 2016), sinalakay ng raiding team ang lugar kung saan na­mataan ang suspek dakong alas-6:02 ng gabi.

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga operatiba.

MOST WANTED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with