^

Probinsiya

Ikatlong misis, pinatay ng 2nd wife sa selos!

John Unson - Pilipino Star Ngayon

Mas bata at mas minamahal ni mister

COTABATO CITY, Philippines — Pinabulagta ng 40-anyos na ikalawang asawa ang 15-anyos na ikatlong misis ng isang Maranaw dahil sa matinding pagseselos sa Marawi City nitong Martes.

Sa inilabas na pahayag kahapon, sinabi ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), nasa kustodya na ng Marawi City Police ang suspek na si Casmera Ampaso, matapos maaresto dahil sa pagpatay sa kanyang karibal sa kanyang mister na isang menor-de-edad.

Agad na ikinulong si Ampaso matapos niyang barilin ng .45 caliber pistol ang ikatlong misis ng kanyang mister sa Marawi City nitong Martes ng hapon.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na nagselos si Ampaso dahil sa so­brang ipinakikitang pagmamahal at pag-aasikaso ng kanyang 50-anyos na mister na si Ayaon sa bagong 15-anyos na asa­wa.

Sinabi ng PRO-BAR na narekober ng mga nag­respondeng pulis sa pinangyarihan ng krimen ang .45 caliber pistol na ginamit sa pagpatay sa menor-de-edad na misis na hindi na pinangalanan.

Ang biktima ay agarang nasawi dahil sa ta­ma ng punglo sa ulo.

SELOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with