^

Probinsiya

Mister inabangan sa pag-uwi, bulagta

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

GUINOBATAN, Albay, Philippines — Duguang bumulagta sa harap ng kanilang bahay ang isang mister matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na nakaabang sa pag-uwi nito sa kanyang bahay sa Purok-7, Brgy. Inamnan Pequeño ng bayang ito, kahapon ng madaling araw.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktima na kinilalang si Noli Tolosa, 56-anyos, may-asawa at residente ng naturang lugar.

Hindi naman nakila­la ang mga suspek na agad nakatakas makaraan ang pamamaril.

Sa ulat, pasado ala-1 ng madaling araw kararating lang ng biktima sa kanyang bahay lulan ng kanyang kotse nang maganap ang insidente.

Habang pababa na sa kanyang sasakyan at naglalakad papasok sa kanilang bahay nang sumulpot ang hindi nakilalang mga suspek at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa pamilya, limang magkakasunod na putok ang kanilang narinig.

Pinaniniwalaan ng mga pulis na dati nang nakaabang ang mga suspek sa pag-uwi ng biktima.

Patuloy pa sa ginagawang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa krimen.

Nakuha ng mga imbestigador sa lugar ang ilang basyo ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

MISTER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with