^

Probinsiya

Bulacan encounter: 2 ‘tulak’ utas, 2 pulis sugatan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN MIGUEL, Bulacan, Philippines — Patay ang dalawang miyembro ng ki­la­bot na criminal gang habang dalawang pulis ang sugatan at apat na iba pa ang naaresto sa naganap na engkuwentro kamakalawa ng madaling araw sa Purok 7 Brgy. Maligaya ng ba­yang ito.

Sa report ni PStaff Sgt. Mark Gil Cruz kay Police Provincial Director Col. Relly Arnedo, kinilala ang napatay na si Rommel Suarez ng San Roque, Gapan, Nueva Ecija, habang namatay na rin sa pagamutan ang isa pang kasamahan ng suspek na kapwa sangkot sa bentahan ng ilegal na droga.

Kinilala naman ang mga sugatang pulis na sina Cpl. Richard Neri at Pat. Aaron James Ibasco, kapwa nakatalaga sa 2nd at 3rd PMFC.

Ang mga nadakip ay na­kilalang sina Fernan­do Perez, 56-anyos; Reynier dela Cruz, 24- anyos; kapwa residente ng Brgy. Maligaya; Hier­lyn Ann Pangilinan, 30- an­yos ng Brgy, San Vi­cen­te, Gapan; Rowena Da­quiz, 43-anyos, ng Brgy, San Fernando Sur Cabiao. Nakatakas naman ang isa pang suspek na si Larry Garcia ng Cabiao Nueva Ecija.

Sa inisyal na imbes­tigas­yon ng mga awtoridad, isisilbi sana ang warrant of arrest na may sa kasong paglabag sa R.A. 9165 laban kay Suarez nang manlaban umano ang mga suspek na nagbunsod ng engkuwentro na ikinasawi ng dalawa.

Nakuha sa lugar ang isang 12 gauge shotgun, mga bala, isang cal.45 at isang homemade na cal. 38 na baril.

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with