^

Probinsiya

P2 milyong puslit na yosi nasabat, 3 timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa mahigit P2milyon ang halaga ng mga siga­rilyong nakumpiska ng mga awtoridad mula sa tatlong lalaki sa isinagawang anti-smuggling operation noong Linggo sa Zamboanga City. 

Kinilala ni Brig. Gen. Neil Alinsañgan, Police Regional Office-Zamboanga Peninsula (PRO-9) director, ang mga inaresto na sina Jaybert Napolereyes, Jason Magsayo at Alphine Manood.

Batay sa report ng Zamboanga City Police, dakong alas-4:45 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek sa isang pribadong pantalan sa Brgy. Baliwa­san ng nasabing lungsod.

May ilang report na na­tanggap ang pulisya hinggil sa magaganap na transaksiyon ng mga suspek.

Ayon kay Alinsañgan, walang maipakitang do­kumento ang tatlo habang binabantayan ang mga nakaimbak na sigarilyo sa loob ng pribadong pantalan.

Nakuha sa mga suspek ang 58 pirasong ma­laking kahapon ng sigarilyo na may panga­lang brand “Lando” na aabot sa halagang P2,030,000.

Itinurn-over na ng pulisya ang mga suspek at mga kontrabando sa kostudya ng Bureau of Customs (BoC).

Sa magkakasunod na operasyon ng mga awtoridad sa buwang ito, nabatid na umaabot na sa P52.8 milyong halaga ng illegal na sigarilyo ang mga nakumpiska sa baybaying sakop ng Barangay Labuan, Zamboanga.

CIGARETTES

SMUGGLED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with