^

Probinsiya

Bukidnon massacre: 5 magkakaanak patay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bukidnon massacre: 5 magkakaanak patay!
Sa inisyal na ulat ng Lantapan Municipal Police, unang pinasok ng anim na suspek ang bahay na pagmamay-ari ng isang Mael Lugnasan sa Sitio Kiabacat, Brgy. Songco, Lanlatan. Dito ay walang habas na pinagbabaril ng mga suspek ang nasa loob ng bahay at nagresulta sa pagkamatay ng apat na magkakamag-anak kabilang ang isang me­nor-de-edad.
Photo by RP Ocampo

2 bahay pinasok, 3 suspek arestado

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng lima katao, habang isa pa ang sugatan nang pasukin ng armadong kalalakihan ang kanilang mga bahay sa­ka sila pinagbabaril at pinagtataga kamaka­lawa ng umaga sa Lantapan, Bukidnon.

Sa inisyal na ulat ng Lantapan Municipal Police, unang pinasok ng anim na suspek ang bahay na pagmamay-ari ng isang Mael Lugnasan sa Sitio Kiabacat, Brgy. Songco, Lanlatan. Dito ay walang habas na pinagbabaril ng mga suspek ang nasa loob ng bahay at nagresulta sa pagkamatay ng apat na magkakamag-anak kabilang ang isang me­nor-de-edad.

Nakaligtas naman ang may-ari ng bahay na si Lugnasan pero may tama ng bala sa ti­yan.

Matapos ito ay nagtungo naman sa ka­ta­bing bahay ang mga sus­pek at dito naabutan si Daniel Lugnasan na pinagtataga naman ng mga suspek.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng pu­lisya, tatlo sa mga suspek na hindi pa pi­na­nga­­lanan ang na­aresto habang pinaghahanap ang tatlong iba pa.

Ayon sa Lantapan Po­lice, posibleng away sa lupa ang motibo sa krimen. 

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with