^

Probinsiya

2 bomber ng bus todas sa engkuwentro

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 bomber ng bus todas sa engkuwentro
Kinilala ang mga namatay na sina Aiman Mandi Ali alyas “Aiman Ali”, mi­yembro ng Daulah Islamiya-Hassan Group at Hairon Akmad Martin; kapwa residente ng Purok Pinnen, Brgy. Rosary Heights, Cotabato City.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng Daulah Islamiyah (DI) terrorist group na suspek sa pambobomba sa pampasaherong bus sa Cotabato City noong 2018 ang napatay matapos umanong manlaban habang sinisilbihan ng mga awtoridad ng warrant of arrest kamakalawa sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga namatay na sina Aiman Mandi Ali alyas “Aiman Ali”, mi­yembro ng Daulah Islamiya-Hassan Group at Hairon Akmad Martin; kapwa residente ng Purok Pinnen, Brgy. Rosary Heights, Cotabato City.

Sa report ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, bandang alas-8:00 ng umaga nang isilbi ng mga tauhan ng Sultan Kudarat Police Provincial Office ang arrest warrant na ipinalabas ni Acting Presiding Judge ng RTC, 12th Judicial Region, Branch 19, Isulan, Sultan Kudarat, sa mga kasong Comprehensive Dangerous Firearms and Ammunitions Regulations Act (R.A. 10591) at illegal gun running (RA 9516), laban sa suspek sa kanyang lungga.

Gayunman, agad umanong pina­putukan ng mga suspek ang mga pulis sanhi ng engkuwentro na ikinabulagta ng dalawa.

Nakuha sa encounter site ang da­lawang .45 kalibre na baril, granada, bomba at kemikal sa paggawa ng pampasabog, motorbike, multicab vehicle, drone at iba’t ibang identification cards.

Ang mga suspek ang itinuturong responsable sa pagpapasabog sa isang unit ng Yellow Bus Lines malapit sa Tacurong City bus terminal na ikinamatay ng isang pasahero at ikinasugat ng 11 iba pa.

Sangkot rin umano si Abu Aiman sa South Seas bombing sa Cotabato City noong 2018 na ikinamatay ng dalawa habang 30 pa ang nasugatan. Kasama rin umano siya sa mga naging operasyon ng Daulah Islamiyah Abu Turaife at Salahudin Hassan Group sa Central Mindanao.

TERRORIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with