^

Probinsiya

Bagong pailaw sa park sa Lucena ‘binaboy’, ipinasara

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Pansamantalang isinara sa pub­liko mula kahapon, Nobyembre 28, ang Perez Park sa lungsod na ito matapos babuyin at sirain ng mga pasaway ang mga pailaw na dekorasyon at mga electrical wirings, dalawang araw lang makali­pas na isagawa ang switch-on ceremony noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Nesler Almagro, Quezon Provincial Tou­rism head, ang pagpapasara ng Perez Park na ka­­tabi lamang ng Provincial Capitol ay upang bigyang daan ang pagkukumpuni ng mga nasirang mga dekorasyon para sa nalalapit na Kapaskuhan ka­tulad ng Korean inspired garden arc na kinalalagyan ng mahigit 1,000 piraso ng roses na may ilaw na sina­sabayan ng magagandang musika.

Hinihinalang ang ilan sa mga pasaway na na­mas­­yal sa parke ang sumira sa mga dekorasyon at wirings na itinaon habang dagsa ang mga tao sa pagsaksi sa aktibidad. 

“Yung pinaganda mo yung park para makita at maka-experience ng kakaiba ang mga Quezonians pero ganito ang ginawa nila? Hayst! Parang sa love din eh binigay mo na lahat, wawasakin ka pa!” pahayag ni Almagro sa pagkadismaya.

Tinatayang mahigit sa 100,000 katao ang du­mag­sa sa parke noong Biyernes ng gabi upang sak­sihan ang seremonya sa pagbubukas ng pailaw o mga Christmas lights sa buong provincial capitol compound na pinangunahan ni Governor Dra. He­len Tan.

Bukod sa pagkasira ng ilang dekorasyong pailaw at electrical wirings, nag-iwan din ng santambak na basura ang mga manonood.

PARK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with