^

Probinsiya

4 kawatan ng 9 convenience store, nalambat

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Apat na mi­yembro ng kilabot na rob­­bery hold-up gang na iti­nuturong responsible sa pan­loloob sa may 9 na convenience store sa lalawigang ito ang na­ares­to matapos silang huling umatake sa isa pang tindahan sa bayan ng Imus City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Larry Perez Gilbero Jr. alias “Eljay” 20 anyos; Jessierell Ca­ñete Eusebio alias “Mi­cheal/Inggo”, 22; John Clister del Rosario Balderama alias “Bentong”, 19, at Diosdado Manahan Tamondong Jr. alias “Dodoy”, 19; pawang residente ng Taguig City.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provin­cial Director Police Col Christopher Olazo, pi­na­sok ng grupo ang Al­famart convenience store sa Barangay Ala­pan 2-A, Imus at tina­ngay nila ang kinita at vault ng nasabing establisiyemento.

Armado umano ng ma­iksing baril ang mga suspek at agad tinungo ang pinaglalagyan ng vault ng store na tila gamay na umano sa pagkilos ang mga ito.

Minuto lamang at natangay ng mga suspek ang lahat ng kinita, vault at mga pera at alahas ng mga crew dito bago mabilis na tumakas sakay ng 2 motorsiklo.

Pawang mga naka jacket, maong pants, cap at face masks ang mga suspek.

Pagka-report naman ng mga empleyado ng naturang store ang insidente sa pulisya, agad na nagsagawa ng follow up operations at sa tu­long ng GPS Tracker na naka-install sa isang cellphone ng crew ng Alfamart na tinangay ay na-detect kung saan nag­tungo ang mga suspek sa isang lugar sa Taguig City. 

Nakipag-coordinate ang Imus Police sa Ta­guig Police at sa tu­long ng PNP Calabarzon, Re­­­gio­nal Intelligence  Di­vi­­sion 4A Special O­pe­­­ra­tions Unit, Rizal La­guna, Cavite Provincial In­­telligence Units, Rizal Provincial Mobile Force Company, Poli­ce Stations ng Binango­nan, Ba­­­coor at agad nag­­sa­gawa ng operasyon. Na­tun­ton ang mga suspek sa Barangay Calzada Tipas Taguig City.

Narekober sa mga ito ang 2 caliber .38 pistols, 1 cal .22 pistol, mga bala, iba’t ibang uri ng cellphones, grana­da, 1 kulay blue Mio mo­­­torcycle na walang plaka at isang plaka na nasa U-box ng motor. Kinilala ito ng mga crew ng Alfamart sa Imus na nangholdap sa kanila ga­yundin ang ginamit na motor ng mga suspek.

ROBBERY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with