^

Probinsiya

Kagawad niratrat sa Barangay Hall sa Bacoor, patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Kagawad niratrat sa Barangay Hall sa Bacoor, patay!
Tadtad ng tama ng bala sa katawan na agad na ikinamatay ng biktimang nakilalang si Angel Ventura Tamayo, nasa hustong gulang, incumbent kagawad at residente ng Brgy. Sinuguelasan, Bacoor City, Cavite.
STAR/ File

Habang kausap ang brgy. secretary  

TIMBANG CAVITE, Philippines — Patay ang isang konsehal ng barangay makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang kausap nito ang kanilang barangay secretary sa labas ng kanilang barangay hall kamakalawa ng hapon sa Barangay Sineguelasan, Bacoor City.

Tadtad ng tama ng bala sa katawan na agad na ikinamatay ng biktimang nakilalang si Angel Ventura Tamayo, nasa hustong gulang, incumbent kagawad at residente ng Brgy. Sinuguelasan, Bacoor City, Cavite.

Hindi naman nakilala ang dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Eugene De Leon, may hawak ng kaso, dakong alas-5:50 ng hapon habang nasa labas ng Barangay Hall ang biktima kausap ang kanilang barangay secretary na si John Paul Tulayba Grande, 38-anyos, nang isang motorsiklo ang biglang dumating sakay ang dalawang suspek na kapwa na ka-bull cup at face mask.

Nang mapatapat sa biktima, dito na ito pinagbabaril ng mga suspek at saka mabilis na sumibat patakas.

Nagsasagawa na ng dragnet operation ang pulisya para madakip ang mga suspek at sinisiyasat ang posibleng motibo sa pamamaslang.

SUSPEK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with