^

Probinsiya

P2.5 milyong puslit na sigarilyo nasabat, 14 crew hinuli

Roel Pareño - Pilipino Star Ngayon

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Nasabat ng seaborne police unit ang isang watercraft na naglalaman ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng P2.5-million at dinakip ang 14 crews nito kahapon ng umaga sa coastal channel malapit sa katimugang bahagi ng isang pantalan sa lungsod.

Sa ulat, naharang ng mga operatiba ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (ZCMFC) na pinamumunuan ni Police Lt. Arial Jolatoria kasama ang mga customs intelligence service, ang “Jungkong” watercraft na may markang MB Mernalyn bandang alas-5 ng umaga sa baybayin ng R.T Lim Boulevard.

 Ayon kay Police Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Min­danao (APC-WM), nagsagawa ng law enforcement operation ang mga ope­ratiba kasunod ng tinanggap nilang tip na mayroong smuggling activity sa lugar hanggang sa maispatan nila ang Jungkong, isang Malaysian-styled shallow water cutter, na kahina-hinala habang papalapit sa isang private wharf sa Baliwasan Seaside.

Sinabi ni Verceles na sa isinagawang inspection, nadiskubre ng mga operatiba sa loob ng bangka na may sakay itong 72 master cases ng puslit na sigarilyo na may mga brands na Astro Menthol at Cannon Menthol habang lulan din dito ang 14 crews kabilang ang skipper, na pawang nagmula sa Jolo, Sulu.

Kinumpiska ng mga pulis ang mga smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P2,520,000.

CIGARETTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with