^

Probinsiya

Magnitude 5 na lindol yumanig malapit sa Cagayan; aftershocks asahan — Phivolcs

Philstar.com
Magnitude 5 na lindol yumanig malapit sa Cagayan; aftershocks asahan â Phivolcs
Bandang 1:34 p.m. nang tumama ang magnitude 5 na lindol 11 kilometro mula sa Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan, ayon sa huling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), Lunes.
Released/Phivolcs

MANILA, Philippines — Tinamaan ng malakas-lakas na lindol malapit sa probinsya ng Cagayan, ito ilang linggo lang matapos yanigin ng magnitude 6.4 earthquake ang kalapit na probinsya ng Abra.

Bandang 1:34 p.m. nang tumama ang magnitude 5 na lindol 11 kilometro mula sa Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan, ayon sa huling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), Lunes.

Sinasabing "tectonic" ang pinagmulan ng lindol.

Naitala ang sumusunod na intensities sa mga naturang lugar:

Intensity V (strong)

  • Calayan, Cagayan

Intensity IV (moderately strong)

  • Pagudpud, Ilocos Norte

Intensity III (weak)

  • Luna, Apayao
  • Pasuquin, Ilocos Norte

Intensity II (slightly felt)

  • Lal-lo, Buguey, Lasam at Peñablanca, Cagayan

Bagama't wala pang inaasahang pinsalang maidudulot ang insidente, tinataya ng state seismologists na masusundan pa ito ng mga aftershocks o mas mahihinang mga pagyugyog.

Sa kabutihang palad, wala pang anumang tsunami warnings na inilalabas ang mga otoridad sa ngayon.

Umabot na sa 139 ang nasusugatan dahil sa nagdaang lindol sa Abra at mga kalapit na lugar sa Ilocos Region at Cagayan Valley, ayon sa pinakasariwang tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Linggo. — James Relativo

CAGAYAN

EARTHQUAKE

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with