^

Probinsiya

Akusado inutas sa korte sa Davao del Sur

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Akusado inutas sa korte sa Davao del Sur
Idineklarang dead-on-arrival sa Davao del Sur Provincial Hospital sa Digos City ang detainee na si Alex Apostadero na nahaharap sa mga kasong attempted robbery, rape at theft.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang detinadong akusado habang naghihintay na matawag habang dumadalo sa kanyang hearing sa municipal trial court kamakalawa ng umaga sa Malalag, Davao del Sur.

Idineklarang dead-on-arrival sa Davao del Sur Provincial Hospital sa Digos City ang detainee na si Alex Apostadero na nahaharap sa mga kasong attempted robbery, rape at theft.

Ayon sa duty investigator na si Police Sr. Master Sgt. Gershon Guerrero, nakaupo sa hagdan ng korte si Apostadero habang naghihintay na matawag matapos ma-schedule sa arraignment at pre-trial nang lapitan ng isang lalaki na armado ng baril.

Bigla na lang umanong binaril ng suspek ang akusado ng dalawang ulit sa katawan at saka mabilis na tumakas.

Lumilitaw na caliber .45 na baril ang gamit ng salarin batay sa basyo ng bala na nakuha sa crime scene.

Bigo naman ang mga pulis at guwardiya na makilala at mahuli ang suspek.

Malaking kuwestiyon kung paano nakapasok ang suspekna dala ang murder weapon.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with