^

Probinsiya

Kotse hulog sa irigasyon: 3 patay!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namatay sa pagkalunod ang tatlo katao nang sumadsad hanggang sa mahulog ang kanilang kotse sa irrigation canal sa Purok 5, Barangay Ambatali, Ramon, Isabela nitong Miyerkules.

Kinilala ni Col. Julio Go ang mga biktima na sina Ruel Galut, Junior Budilla, 36, at Zyra Janine Galut, 13, pawang mga residente ng Pinto, Alfonso Lista, Ifugao.

Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng sasakyan hanggang sa magpagewang-gewang sa madulas at pakurbadang kalsada.

Nagtuluy-tuloy sa kanal ang sasakyan at hindi na nakaligtas ang mga biktima matapos silang ma-trap sa loob ng sasakyan.

Naiahon lamang ang mga biktima nitong Huwebes nang tumulong ang rescue personnel ng lalawigan.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with