^

Probinsiya

Sundalo dedo sa sariling baril

John Unson - Pilipino Star Ngayon

SULTAN KUDARAT, Maguindanao del Norte, Philippines — Isang sundalo ang nasawi nang tamaan ng bala ng kanyang baril na nililinis sa loob ng kanilang kampo, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Lt. Col. Julhamin Asdani, hepe ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, ang biktima na si Pfc. Mark Anthony Pagarigan na nasawi dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Si Pagarigan, binata ng Camiling, Tarlac, ay nakadestino sa 1st Explosive and Ordnance Disposal Platoon ng Army’s 1st Brigade Combat Team na na­kabase ang kampo sa Barangay Pigcalagan.

Siya ay idineklarang dead on arrival ng mga doktor sa Mount of Blessings Hospital, Pigcawayan, Cotabato.

SUNDALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with