^

Probinsiya

Mag-utol hinoldap sa sementeryo

Ramon Lazaro - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Hinoldap ang magkapatid ng dalawang trabahador sa semen­teryo habang inaayos ang bubungan ng museleo ng kanilang kaanak.

Sa ulat na nakara­ting kay P/Col. Richard Caballero, acting Nueva Ecija police director, kinilala ang mga biktima na sina Joemarie Dalo at 16-anyos nitong kapatid na lalaki.

Habang ang tatlong suspek na tinutugis ng pulisya ay kinilalang sina Mark Dionver Agustin, dating sundalo; Arvie Valdez; at Vergel Mislos, barangay tanod.

Batay sa ulat, sina Agus­tin at Valdez ay ki­nuha upang ayusin ang bubong ng museleo ng tiyuhin ng mga biktima.

Ayon sa magkapatid, sila ay tinutukan ng baril ng mga suspek sa loob ng museleo na matatagpuan sa Liwayway Memorial Homes, Purok 5, Barangay Liwayway, Santa Rosa, Nueva Ecija at puwersahang kinuha ang kanilang P2,500.00 cash money at sing­sing na nagkakahalaga ng P18,000.00.

vuukle comment

HOLDAP

SEMENTERYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with