^

Probinsiya

Re-supply mission naisagawa ng Marines sa Ayungin Shoal

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naging maayos ang paghahatid ng mga tauhan ng Philippine Marines sa mga pangangaila­ngan ng nagbabantay sa Ayungin Shoal.

Ayon kay AFP-Western Command commander, Vice Admiral Alberto Carlos, bukod sa mga pagkain,tubig at gamit, nadalhan din ng maintenance at repair equipment ang mga sundalong nagbabantay sa BRP Sierra Madre.

Nabatid na gumamit ang Philippine Marines ng commercial vessel para sa ‘resupply mission’ sa Ayungin Shoal.

Wala naman aniya naging aberya sa pagdadala ng mga suplay at walang sumita na Chinese Coast Guard vessels, na nagpapatrul­ya sa bahagi ng West Philippine Sea.

“Successful operations only show that if we continue to engage our neighbors in peaceful and constructive dialogues, we will understand each other better. We look forward to more interaction with China as our two governments seek a peaceful resolution to this regional impasse,” dagdag pa ni Carlos.

Samantala, nakabantay at nagsasagawa naman ng  pagpapatrol sa West Philippine Sea ang mga tauhan ng BRP Malapascua ng Philippine Coast Guard habang isinasagawa  ang re-supply.

Magugunita na may mga pagkakataon na hinaharang ng Chinese Coast Guard maging ang civilian re-supply vessel na patungo sa Ayungin Shoal.

AYUNGIN SHOAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with