^

Probinsiya

Guro patay sa tangkang rape

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Guro patay sa tangkang rape
Duguan at basag ang ulo nang matagpuan ng kanyang kapwa guro ang biktimang si Jessica Belches Mangubat, 24-anyos, residente ng Brgy. Manapao, Claveria, guro ng San Ramon Institute.
STAR/ File

Sa mismong ‘World Teachers’ Day’

CLAVERIA, Masbate, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang dalagang guro matapos siyang paghahatawin ng matigas na bagay nang manlaban habang tinatangkang gahasain ng isang lalaki sa loob ng inuupahang kuwarto nito sa Sitio Bodega, Brgy. Pasig ng bayang ito, sa mismong “World ­Teachers Day”, kahapon ng umaga.

Duguan at basag ang ulo nang matagpuan ng kanyang kapwa guro ang biktimang si Jessica Belches Mangubat, 24-anyos, residente ng Brgy. Manapao, Claveria, guro ng San Ramon Institute.

Agad namang naaresto sa hot pursuit operation ng pulisya ang suspek na nakilalang si Alvin Errero Yanzon, 30-anyos, binata, construction worker at residente ng Purok-2, Brgy. Pasig ng naturang bayan.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga, pinasyalan ng kanyang kapwa guro na si Marlon Basangan Rom ang biktima pero nagulat siya nang makitang patay at duguan na ang biktima sa loob ng inuupahang kuwarto nito sa bahay na pag-aari ng isang Luis Ramirez.

Natagpuan pa sa lugar ang isang duguang puting t-shirt at 14 inches  na “wooden axe handle” na may dugo.

Sa imbestigasyon ng mga rumespondeng pulis at sa tulong ng mga testigo, natukoy ang suspek na si Yanzon na siyang pumasok sa kuwarto ng biktima.

Pinaniniwalaang sinubukan nitong gahasain ang guro pero nang pumalag ay pinaghahataw ng maso sa ulo na sanhi ng kanyang pagkasawi.

BODEGA

GURO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with