^

Probinsiya

Mayor sa Albay diniskuwalipika ng Comelec

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mayor sa Albay diniskuwalipika ng Comelec
Albay Gov. Noel Rosal.
PNA.gov.ph

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Matapos na ma­diskuwalipika si Gov. Noel Rosal ng 1st division ng Commission on Elections (Comelec) noong isang buwan dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code, sumunod namang diniskwalipika ang kanyang asawang si Mayor Carmen Geraldine Rosal bilang kandidato sa pagka-alkalde ng Legazpi City ng nakalipas na May 9 elections.

Sa desisyong inilabas ng 2nd division ng Comelec nitong Oktubre 4, 2022, sa pangunguna ni Presiding Commissioner Marlon Casquejo, pinaboran ng mga komisyoner ang kahili­ngan ng petitioner noong nakaraang Abril 11, 2022 na si Joseph San Juan Almogila na idiskuwalipika si Mayor Rosal sa pagkandidatong alkalde ng lungsod ng Legazpi dahil sa pamumudmod nito ng P2,000 ayuda sa mga tricycle drivers noong Marso 25 na pasok na sa 45-araw na Comelec ban.

Binigyang diin ng Comelec, si Rosal na kandidato noong alkalde ng lungsod ay sumabay sa payout na parang lumalabas na bahagi siya ng lokal na pamahalaan kasama ang asawang incumbent mayor noon na si Noel Rosal ay kumakandidato bilang go­bernador.

Ang Gov. Rosal na unang diniskwalipika ay naghain ng nakalipas na linggo ng motion for reconsideration sa Comelec En Banc.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with