^

Probinsiya

4 Vietnamese nasabat sa karagatan ng Palawan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4 Vietnamese nasabat sa karagatan ng Palawan
Sa ulat, inaresto ng pinagsanib na puwersa ng PCG-Kalayaan Station, Philippine Navy (PN) at Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG) ang apat na Vietnamese dahil sa iligal na pa­ngingisda gamit ang ipinagbabawal na “sodium cyanide” noong Setyembre 18.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Apat na Vietna­mese nationals ang nasa kustodya ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG)-District Palawan makaraan silang masabat habang illegal na nangingisda sa karagatang sakop ng Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan kamakailan.

Sa ulat, inaresto ng pinagsanib na puwersa ng PCG-Kalayaan Station, Philippine Navy (PN) at Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG) ang apat na Vietnamese dahil sa iligal na pa­ngingisda gamit ang ipinagbabawal na “sodium cyanide” noong Setyembre 18.

Kinumpiska rin ng joint maritime law enforcement team ang fishing vessel na gamit ng mga Vietnamese na tinatawag na “sampan”.

Nananatiling nasa kustodiya ng PCG-District Palawan ang mga mangingisdang dayuhan na nakatakdang isailalim sa imbestigasyon at determinahin ang tamang disposisyon sa kanila.

Kakasuhan ng pag­labag sa Sections 91 at 92 ng Republic Act No. 10654 o ang “Phi­lippine Fisheries Code of 1998” ang naturang mga dayuhan.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with