^

Probinsiya

Mister naburyong: Anak, pamangkin kinatay; 3 pa grabe

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Mister naburyong: Anak, pamangkin kinatay; 3 pa grabe
Sinabi kahapon ni Lt. Col. Geovanni Ladeo, hepe ng Glan Municipal Police sa Sarangani, ang suspek na si Jovel Pondong, 30, ay nabaril at napatay rin ng rumes­pondeng volunteer community watchman, na kanya ring kamag-anak.
STAR / File

Suspek utas sa rumespondeng kaanak

COTABATO CITY, Philippines — Napatay ng isang mister ang sariling anak na lalaki at pamangkin habang tatlo pang kaanak ang malubhang nasugatan matapos mabur­yong at walang habas na managa sa lalawigan ng Sarangani noong Sabado. 

Sinabi kahapon ni Lt. Col. Geovanni Ladeo, hepe ng Glan Municipal Police sa Sarangani, ang suspek na si Jovel Pondong, 30, ay nabaril at napatay rin ng rumes­pondeng volunteer community watchman, na kanya ring kamag-anak.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ni Pondong, isang ethnic Blaan, ang bahay ng kanyang kapatid na si Bentong, sa Sitio Cogon, Brgy. Datalbukay, bayan ng Glan dakong alas-5:00 ng hapon noong Sabado at agad na pinagtataga gamit ang “machete” ang kanyang 2-anyos na anak na si Botyok, at ang 4-anyos na pamangking si Arriana na agad nilang ikinasawi.

Isinunod na inatake ng taga ng suspek ang kanyang 26-anyos na hipag na si Rose Ann, ang kanyang 1-linggong gulang na sanggol na la­laki at 7-anyos na kapatid na si Ashley.

Ayon sa mga kamag-anak, si Pondong ay sinasabing may diperensya sa pag-iisip at hindi na siya makontrol, bago ang kanyang pag-aamok at pag-atake sa kanyang sariling anak at mga kamag-anak gamit ang isang mahaba at matalim na machete.

Dahil sa pagtanggi na sumuko at patuloy ang ginagawang pag-atake, binaril na ng isang rumespondeng barangay tanod na si Dewil Pondong, ang suspek. 

Agad namang sumuko si Dewil sa Glan Municipal Police matapos nitong mapatay ang pinsang suspek na nagtangkang undayan din siya ng taga.

Nilalapatan na ng lunas ang mag-iinang sugatan sa insidente.

KRIMEN

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with