^

Probinsiya

3 dedo, 1 sugatan sa road mishap sa Cebu

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 dedo, 1 sugatan sa road mishap sa Cebu
Dead-on-the-spot si Reneir Paparacio, 23, ng Sitio Suran, Brgy. Quiot, habang namatay sa ospital ang angkas nitong si Janice Mae Respeto Jaspe, 34.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang patay habang isa ang sugatan sa magkahiwalay na road accident sa Cebu noong Sabado.

Dead-on-the-spot si Reneir Paparacio, 23, ng Sitio Suran, Brgy. Quiot, habang namatay sa ospital ang angkas nitong si Janice Mae Respeto Jaspe, 34.

Naaksidente ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima sa North Reclamation Area sa Brgy. Mabolo, Cebu City.

Sinabi ni Corporal Rosaleo Lauron, traffic investigator ng Mabolo Police Station, bukod sa mabilis na takbo, tinangka ni Paparacio na lagpasan ang green light sa kanto ng Juan Luna Avenue at Serging Osmeña Boulevard ngunit nabigo ito.

Dahil sa pag-full stop, nawalan ng balanse si Paparacio at  sumalpok sa center island ng kalsada ang motorsiklo na naging dahilan upang tumilapon.

Patungo umano sa Mandaue City ang mga biktima nang maganap ang akdidente.

Samantala, patay rin si Charlyn Jabolin, 23, dalaga, taga-Brgy. Casapa, Jiabong, Samar habang sugatan ang kaibigang si Rodelyn Joy Jabonita, 25, dalaga, driver ng Suzuki motorcycle, mula sa Bayawan, Negros Oriental.

Lumilitaw na sinalpok ng 14-wheeler truck  ang mga biktima sa Brgy. Sangat, bayan ng San Fernando, Cebu.

DEAD

ROAD MISHAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with