^

Probinsiya

Tserman, itinurong utak sa pagpatay sa guro

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Tserman, itinurong utak sa pagpatay sa guro
Ayon sa pulisya, sina Sonny Boy Gandeza Tullas, driver ng gunman na si Romel “Ambong” Paa; lookout na si Aldrin Alagao at middleman Abelardo “Abe” Talape, pawang taga-Tayum, Abra ay unang nadakip ng mga operatiba ng Abra, at inamin nila na inalukan sila ni Barangay Dumagas, Boliney Chairman Armando Wilson para tapusin ang buhay ng high school teacher na si Rudy Steward Dugmam Sayen, 38, na kilala rin sa tawag na “Estee Sayen”, isang dating nurse sa Abra Provincial Hospital. 
Graphics by RP Ocampo

BAGUIO CITY, Philippines — Nahaharap sa kasong murder ang isang barangay chairman matapos inguso ng mga nadakip na suspek na siyang mastermind o utak sa P100,000 assassination sa isang guro sa Bangued, Abra noong Miyerkules.

Ayon sa pulisya, sina Sonny Boy Gandeza Tullas, driver ng gunman na si Romel “Ambong” Paa; lookout na si Aldrin Alagao at middleman Abelardo “Abe” Talape, pawang taga-Tayum, Abra ay unang nadakip ng mga operatiba ng Abra, at inamin nila na inalukan sila ni Barangay Dumagas, Boliney Chairman Armando Wilson para tapusin ang buhay ng high school teacher na si Rudy Steward Dugmam Sayen, 38, na kilala rin sa tawag na “Estee Sayen”, isang dating nurse sa Abra Provincial Hospital. 

Si Sayen, isang mi­yembro ng LGBTQ plus community ay papasok sa Suyo National High School sakay ng motorsiklo nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek habang bumabagtas sa kalsada ng Barangay Licpan, Bangued.  Siya ay agad isinugod sa ospital subalit binawian din ng buhay dahil sa tinamong dalawang fatal wounds. 

Ang biktima, ayon sa pulisya ay tubong Boliney at kamag-anak ng naturang tserman na utak ng krimen dahil sa pinag-aawayang kapirasong lupa.

Na-shock naman ang ina ng biktima matapos lumabas sa imbestigasyon na ang kanilang kaanak na kapitan ang siyang nagbayad sa mga salarin para itumba ang kanyang anak.

KRIMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with