^

Probinsiya

Bahay pinasok ng 3 lasing: 1 todas, 2 kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bahay pinasok ng 3 lasing: 1 todas, 2 kritikal
Dead-on-the-spot sanhi ng dami ng tina­mo nitong saksak sa katawan ang biktima na nakilalang si Abelardo Sipat, 43-anyos, habang kritikal ang lagay ng da­lawa nitong kasama na sina Lester Papa, 22, ng Pasong Camachile 1, General Trias City at Mahomar Constante, 40, ng nasabi ring lugar.
File

CAVITE, Philippines — Isa ang patay habang dalawa ang malubhang nasu­gatan matapos pasukin ng tatlong lalaki kabilang ang isang junk shop owner, sa loob ng tinutuluyang bahay ng mga biktima kamakalawa ng gabi sa Barangay Navarro, Gen. Trias City.

Dead-on-the-spot sanhi ng dami ng tina­mo nitong saksak sa katawan ang biktima na nakilalang si Abelardo Sipat, 43-anyos, habang kritikal ang lagay ng da­lawa nitong kasama na sina Lester Papa, 22, ng Pasong Camachile 1, General Trias City at Mahomar Constante, 40, ng nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, hatinggabi ng Linggo nang pasukin umano ng tatlong suspek na pawang mga lasing ang tinutuluyan ng mga biktima saka pinagbubugbog at pinagsasaksak.

Matapos na duguang bumulagta ang mga biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek ta­ngay ang mga patalim na gi­namit sa krimen.

Sa follow-up operation ng Gen. Trias Police Compac, naaresto ang dalawa sa tatlong suspek na sina Rendan Zapatos, 30, junkshop owner at Jemfred Ilano, 18, helper, habang pinaghahanap pa si CJ Gawan, nasa hustong gulang, isa ring helper sa junkshop na pag-aari ni Zapatos.

KRIMEN

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with