^

Probinsiya

Binata may saklob sa ulo, natagpuang patay sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Isang bangkay ng lalaking walang damit pang-itaas na may saklob ang ulo ang natagpuan sa bakanteng lote ng Bypass Road sa Brgy. Muzon, lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Russel Tarriela, 23, binata at kasalukuyang residente ng Melody Plains Subdivision, Brgy. Muzon.

Sa report ni SJDM acting chief of police Lt. Col. Ronaldo Lumactod Jr, isang impormasyon ang kanilang natanggap sa isang concerned citizen na may nakitang bangkay ng lalaki bandang alas-6:00 ng umaga sa Bypass Road, Brgy. Muzon.

Dahil dito, agad ru­mes­ponde ang mga pulis sa lugar hanggang sa tumambad sa kanila ang nakabulagtang lala­ki na nakasuot ng itim na short, walang damit pang-itaas at may saklob na kulay dilaw na t-shirt sa mukha.

Kalaunan ay positibong kinilala naman ng isang nagngangalang Luisa na ang natagpuang bangkay ay kanyang anak na si Russel.

Base sa imbestigas­yon at sa mga screenshots ng conversation ng biktima sa kanyang messenger account ay nalamang nagtungo ito sa Phase 9, Caloocan City.

Sinasabing ang biktima, ayon sa mga awtoridad ay mahigit 11-oras nang patay nang itapon sa lugar para iligaw ang imbestigasyon.

Patuloy ang panga­ngalap ng saksi ng pulis­ya sa naturang krimten.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with