^

Probinsiya

Bangka nagliyab: Lolo nasagip ng PCG

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang lolo sa nasusunog niyang bangka habang isinasailalim ito sa “sea trial” nitong nakaraang Linggo sa karagatang sakop ng Basilan.

Nagtamo ng “1st degree burn” sa balikat at tuhod ang 60-anyos na si Macdal Mahalail ng Barangay Diki, Malamawi Island, Isabela City, nang gumapang sa kaniya ang apoy dulot ng tumapong gasolina.

Sa salaysay ni Maha­lail, nagsasagawa siya ng sea trial sa bagong ga­wang motorbanca na Prince 1 sa karagatan na sakop ng Brgy. Marang-Marang, Malamawi Island nang aksidenteng matapon umano ang isang galon ng gasolina sa makina ng bangka dahilan para agad itong sumiklab.

Masuwerteng napadaan ang MV Reina Kleopatra ng Montenegro Shipping Lines sa baybayin at namataan ang nasusunog na motorbanca. Sakay ng barko si Coast Guard SN1 Christopher Pacarat ng PCG Seamarshal Unit-SWM na siyang tumawag sa Coast Guard Station Isabela.

Agad na nagsagawa ng search and rescue operation sa insidente ang PCG at nailigtas si Mahalail.

Nilapatan ng agarang lunas si Mahalail saka inilipat sa kanyang pamilya at pinayuhang dalhin siya sa ospital para sa tamang medikasyon.

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with